Binata, Patay sa Banggaan ng Motorsiklo at Tricycle!

*Angadanan, Isabela-* Patay ang isang binata makaraang maaksidente sa Brgy. Lomboy, Angadanan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, dead on arrival ang biktima at driver ng motorsiklo na si Richard Ventura, 29 anyos, residente ng Brgy. Dagupan, Alicia, Isabela habang ang suspek at driver ng tricycle ay si Wilfredo Idio Felix, 61 anyos, residente naman ng Brgy. Sta. Cruz, Alicia, Isabela.

Batay sa inisyal na impormasyong ibinahagi ng Isabela Police Provincial Office, binabaybay ng biktima ang lansangan pauwi sa kanilang bahay at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente partikular sa gitnang bahagi ng daan ay biglang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na tricycle.


Naisugod pa sa pagamutan ang driver ng motorsiklo subalit binawian din ito ng buhay.

Dinala naman sa ibang pagamutan ang driver ng tricycle matapos magtamo ng mga sugat sa katawan.

Iniimebstigahan pa ng PNP Angadanan ang naturang pangyayari.

Facebook Comments