Binata, Pinagtataga ang Sariling Kapatid, Arestado!

*Jones, Isabela* – Patay ang isang lalaki matapos pagtatagain ng kanyang sariling kapatid kahapon Hunyo 23, 2018 sa Brgy. Dicamay Dos, Jones, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Anthony Dunuan, dalawpu’t tatlong taong gulang, walang asawa, magsasaka, habang ang suspek ay kinilala namang si Sherwin Dunuan, dalawampung taong gulang, walang asawa, magsasaka at pawang mga residente ng nasabing lugar.

Batay sa impormasyong natanggap ng RMN Cauayan, lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan na away magkapatid ang dahilan ng pagkakapaslang kay Anthony.


Sa impormasyong ibinahagi ng Jones Police Station, nag-inuman umano ang magkakapatid sa isang kubo sa kanilang bukirin bago mangyari ang pagpatay kung saan nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawang magkapatid.

Matapos ang nasabing alitan ay kinuha umano ni Sherwin ang itak sa kaniyang tabi at at pinagtataga sa bahaging batok at dibdib ang biktima.

Sinubukan pang isugod sa pinakamalapit na pagamutan si Anthony ngunit idineklara din itong Dead on Arrival habang dinala naman ng kapulisan ang suspek sa kanilang himpilan para sa kaukulang kaparusahan.

Facebook Comments