Binata sa Alicia, Isabela, Huli sa Pagtutulak ng Marijuana!

*Alicia, Isabela- *Natimbog ang isang binata matapos maaktuhang nagbebenta ng Marijuana sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng PNP Alicia sa Brgy. Victoria, Alicia, Isabela.

Kinilala ang binatang nadakip na si Harold Lopez QuiƱones, disi otso anyos, at residente ng brgy. Callao, Alicia, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, dinakip si Harold matapos bentahan ang isang police poseur buyer at nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang mga tuyong dahon ng marijuana na nakalagay sa isang papel at ang limang daang pisong marked money.


Hawak na ng PNP Alicia ang suspek maging ang nakumpiskang marijuana habang inihahanda naman ng kapulisan ang kanyang kakaharaping kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

* Tags: dwkd985cauayan, rmn cauayan, cauayan city, isabela, luzon, alicia, pnp alicia*

Facebook Comments