Top 4 Most Wanted sa Maconacon, Isabela, Natimbog Na!

*Maconacon, Isabela*- Nahuli na ang Top 4 Most wanted sa bayan ng Maconacon, Isabela matapos madakip ng mga kasapi ng PNP Maconacon sa Brgy. Fely, Maconacon, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Val Simangan, ang hepe ng PNP Maconacon, kinilala ang suspek na si Michael Peneyra Perucho, animnapu’t anim na taong gulang, isang negosyante at residente ng nasabing barangay.

Aniya, dinakip si Michael sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Clifford Sobrevilla ng 8th MCTC, Apparri, Cagayan dahil sa kaso nitong Estafa at may inilaang piyansa na labingwalong libong piso para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Dinala na sa court of origin ang suspek na mahaharap sa kanyang kaukulang kaso.

Samantala, kabilang umano ang pamunuan ng PNP Maconacon sa mga nakatanggap ng bagong patrol car mula sa National Headquarters na ngayon ay kasalukuyan nang ginagamit para sa kanilang pagpapatrolya.

Facebook Comments