Binata sa Alicia Isabela, Maaring Makulong ng Habang Buhay!

Alicia, Isabela – Maaring makulong ng habang buhay ang isang binata matapos maaresto kaninang umaga sa Brgy. Bagnos, Alicia, Isabela dahil sa kanyang kaso.

Ang akusado ay kinilala na si Gemar Galutan, dalawampu’t dalawang taong gulang, binata, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Hinuli si Galutan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Raul Babaran ng RTC Branch 19 Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Serious Physical Injuries and Damage to Property.


Walang nairekomendang piyansa sa kaso ni Galutan dahil sa hindi umano pagsipot nito sa mga naitakdang pagdinig sa kaso.

Sa ngayon ay nasa himpilan na ng PNP Alicia si Galutan para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments