Wanted Person sa Angadanan Isabela, Arestado Na!

Angadanan, Isabela – Arestado na kaninang umaga ang isang wanted person sa bayan ng Angadanan, Isabela dahil sa paglabag nito sa BP 22 o Bouncing Check Law.

Kinilala ang akusado na si Mark Allan Subia Cortez, tatlumpu’t dalawang taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Calabayan Minanga, Angadanan, Isabela.

Sa impormasyong ibinahagi ng PNP Angadanan, nahuli si Cortez sa bisa ng mandamiento de arresto na ipinalabas ni hukom Lornabeth Tutaan-Ucol ng MTC Alicia, Isabela.


Makakalaya lamang ang akusado kung makakapaglagak ng nairekomendang piyansa na labin walong libong piso (Php18,000.00).

Nasa Angadanan Police Station na si Cortez para sa dokumentasyon bago ang court of origin nito.

Facebook Comments