Binata sa Benito Soliven, Isabela, Nagbigti Patay!

*Benito Soliven, Isabela- *Binawian ng buhay ang isang binata matapos magbigti gamit ang isang lubid sa Brgy. Yeban Sur, Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Randy Robina, 27 anyos, residente ng Brgy. Yeban Sur, Benito Soliven, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, bago pa naganap ang insidengte ay nakipag inuman pa ang biktima sa kanyang mga kasama at nagbigay ng sulat sa kanyang pamangkin na si Marlon Halog.


Bandang 8:45 kagabi, nadiskubre na lamang ang katawan ng biktima na nakasabit sa kusina gamit ang isang lubid.

Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklara din itong dead on arrival sa pamamagitan ni Dr. Janet Angagan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments