BINATA SA DASOL, PATAY MATAPOS MAHULOG AT MAGULUNGAN PA NG JEEP NA SINASAKYAN NITO

Namatay habang ginagamot sa pagamutan ang isang kwarenta anyos na lalaki matapos itong mahulog at magulungan pa ng jeep na sinasakyan nito sa bayan ng Dasol.
Ang biktima ay nakilalang si Jeffrey Ferrer residente ng Lalawigan ng Pampanga.
Lumalabas sa imbestigasyon na naganap ang aksidente sa pataas na bahagi ng Brgy. Osmena sa Dasol habang paakyat ang jeep ng bigla itong napaatras dahil sa tarik ng kalsada.

Dito na nahulog ang biktima na nakaupo sa sahig ng jeep ng mga sandaling iyon.
Sa kasamaang palad ay nagulungan pa ito ng mismong jeep kung saan ito nahulog dahil sa pag atras nito.
Isinugod naman agad sa pagamutan ang biktima matapos magtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan subalit namatay din habang ginagamot. |ifmnews
Facebook Comments