Binata sa Lungsod ng Cauayan, Arestado sa Pagtutulak ng Marijuana!

102

*Cauayan City, Isabela- *Hindi na nakapalag sa kamay ng mga otoridad ang isang binata matapos matiklo sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot partikular sa Maharlika Highway, Nungnungan 2, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Ryan Ronquillo, 19 anyos, walang trabaho at residente ng Brgy. San Isidro, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nagsagawa ng Drug Buy Bust Operation ang mga kasapi ng Cauayan City Police Station sa pangunguna ni Police Captain Geriyell Frogoso katuwang ang PDEA2 kung saan nabentahan ni Ronquillo ng isang sachet ng marijuana ang isang police poseur buyer sa halagang P500.00.

Narekober mula sa pag-iingat ng suspek ang isang unit ng cellphone at ang limangdaang pisong marked money.

Nasa kustodiya na ng PNP Cauayan City ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments