Binata sa Mallig Isabela, Timbog sa Kasong Acts of Lasciviousness!

35

Mallig, Isabela – Inaresto kahapon ng mga alagad ng batas ang isang binata dahil sa kaso nitong acts of lasciviousness sa Bimonton, Mallig, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Loreto Infante, hepe ng Mallig Police Station, sinabi niya na ang akusado ay kinilalang si John-John Alcaide Umipig, bente dos anyos, binata at nakatira sa nabanggit na lugar.

Aniya, ang pagkakahuli kay Umipig ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Precious Lovely Sales-Jao ng MCTC Mallig-Quezon, Mallig, Isabela.

Ang akusado ay malugod naman umanong sumuko sa mga pulis at nakapaglagak kaagad ng piyansa na nagkakahalaga ng Php36,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments