SHOOTING INCIDENT | DFA, nakiramay sa pamilya ng isang Pinay na nasawi sa California

31

Nagpaabot na ng pakikiramay at pakikisimpatya ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa naulilang pamilya ng dalagitang Pinay na isa sa mga biktima ng shooting incident sa Los Angeles.

Nitong Miyerkules, isang gunman ang bigla na lamang walang habas na namaril sa isang music bar sa Thousand Oaks, California kung saan isang dosenang katao ang nasawi.

Ayon sa DFA, isa ang 18 years old Filipino-American freshman student na si Alaina Punzalan Housley ng Pepperdine University sa mga casualties.

Kasunod nito patuloy na mino-monitor Consul General Adel Angelito Cruz ang sitwasyon ng nasa 25,879 Filipinos at Filipino-Americans sa Ventura Country kung saan halos taga duon lahat ang mga nasawi.

Samantala, matapos ang insidente, nagpabaril din sa sarili ang suspek na kinilalang si Ian David Long, 28-year-old na isang Marine veteran.

Facebook Comments