ARCHIVED CONTENT: This is a static preservation copy of an historical RMN Networks article. Live interactive widgets have been optimized for high-speed offline storage.

Binata sa Sta. Maria, Isabela, Ikinulong Dahil sa Kasong Qualified Theft!

Sta. Maria, Isabela – Ikinulong ang isang binata matapos na isinilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest nito kaninang umaga sa Brgy. San Isidro East, Sta. Maria, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Reymart Tagapan Dayag, dalawampu’t dalawang taong gulang at residente ng nasabing lugar.

Ipinalabas ni hukom Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18 City of Ilagan, Isabela ang warrant of arrest ni Dayag.

Walang nairekomendang piyansa para sa kasong kinasangkutan ng akusado dahil umano sa hindi pagsipot nito sa mga paunang imbitasyon ng paglilitis sa isinampang kaso laban kay Reyes.

Sa ngayon ay nasa himpilan ng PNP Sta. Maria ang akusado kung saan ay nakatakda ring iharap sa korte.

Facebook Comments