COUP D’ ETAT | Trillanes, hindi dapat magdiwang sa kanyang kaso

Manila, Philippines – Hindi pa dapat magdiwang si Sen. Antonio Trillanes sa kanyang kasong coup d’etat.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, hindi pa tapos ang laban bagama’t hindi pinagbigyan ng Makati RTC Branch 148 ang kanilang kahilingang magpalabas ng warrant of arrest at Hold Departure Order laban sa Senador.

Sinabi ni Guevarra na simula pa lamang ito ng kanilang laban dahil iaakyat pa aniya nila ito sa superior court.


Aniya, ang main case nito ay nakapending pa sa Korte Suprema.

Facebook Comments