Binata sa Tumauini, Isabela, Huli sa kasong Direct Assault!

Tumauini, Isabela – Arestado ang isang binata matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado ala una ng tanghali sa Brgy. Antagan 1st, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Gerardo Espero Consul Jr., 23 anyos, walang asawa at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga otoridad si Consul dahil sa kasong Direct Assault sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Ramon Corazon P. Blanco ng MCTC Tumauini-Delfin Albano.


Nasa kustodiya na ng Tumauini Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Samantala, pansamantalang makakalaya si Consul kung makakapaglagak ng inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng tatlumpu’t anim na libong piso.

Facebook Comments