Binata, sugatan matapos pagsasasaksakin

21

Bacolod City – Sugatan ang isang binata matapos pagsasaksakin ng dalawang suspek malapit sa Bacolod City National High School sa Barangay Taculing.

Nakilala ang biktima na si Rodrigo Legaspi, 19-anyos na residente sa nasabing barangay.

Sa ulat, nakaupo sa kaniyang motorsiklo ang biktima nang lapitan at pagsasaksakin ng mga suspek na sina Lino Aguilar at Alfredo Soquino.
Nagtamo ng mga saksak sa katawan ang biktima na agad na isinugod sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital kung saan nadakip naman ng mga otoridad ang mga suspek habang tinatangkang tumakas.

Facebook Comments