NALASON? | 2 bata patay matapos kumain ng isaw at fishball

83

Camarines Sur – Patay ang dalawang bata habang nasa ospital ang isa matapos kumain ng isaw at fishball sa bayan ng Milaor, Camarines Sur.

Nakilala ang mga nasawi na sina Lyka, 10-anyos at Mary Joy Alba, 13-anyos habang inoobserbahan naman sa ospital ang isa nilang kapatid na si Jay-R, 14-anyos.

Sa ulat, kumain ang dalawang batang babae ng isaw at fishball kung saan binigyan pa nila ng pasalubong si Jay-R.

Bigla na lamang aniyang sumakit ang tiyan ng mga bata at nagsimulang  manghina.

Nabatid na unang binawian ng buhay si Lyka at sumunod dito si Mary Joy.

Ayon naman sa tatay ng mga biktima na si Mario Alba, wala daw siyang magagawa dahil hindi niya matukoy kung saang tindahan bumili ang kaniyang mga anak.

Facebook Comments