Binata, Timbog sa ikinasang Buy-Bust Operation sa Ramon, Isabela!

Ramon, Isabela- Timbog ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Ramon Police Station at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA Region 2) sa Brgy. Bugallon Proper, Ramon, Isabela bandang 12:45 kaninang madaling araw, June 2, 2019.

Kinilala ang suspek na si Arnold Quintos alyas Samson, 21 anyos, binata at residente sa nasabing lugar.

Batay sa ikinasang operasyon ng mga operatiba nasamsam sa suspek ang isang (1) pakete ng pinaghihinalahang shabu at limandaang piso (P500) na nagresulta ng kanyang pagkaaresto.


Nahaharap naman sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Ramon PNP ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments