Isa Patay, Isa Sugatan matapos maaksidente sa Naguilian, Isabela!

Idineklarang patay ang isang ginang ng sumuring doktor matapos itong maaksidente lulan ng kanyang motorsiklo sa Brgy. San Manuel, Naguilian, Isabela bandang 10:10 kagabi, June 1, 2019.

Kinilala ang mga biktima na si Jovilyn Balacanao, 30 anyos, walang asawa habang sugatan naman ang angkas nito na si Daniel Mabbagu, 21 anyos, binata at pawang mga residente ng Brgy. Cubag, Cabagan, Isabela.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Naguilian Police Station na habang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng pakurbang daan sa pambansang lansangan sa pinangyarihan ng insidente ay nawalan ng kontrol sa manibela ang ginang na nagresulta ng matinding sugat sa ulo habang maswerte namang nakaligtas sa aksidente ang angkas nito na nagtamo lamang ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.


Agad namang rumesponde ang rescue team at isinugod ang mga biktima sa pinakamalapit na pagamutan.

Facebook Comments