Binatang may Kinakaharap na Kaso sa San Mateo, Isabela, Arestado!

San Mateo, Isabela- Arestado ang isang binatang may kinakaharap na kaso sa matapos isilbi ang warrant of arrest nito dakong alas onse kanina, Oktubre 4, 2018 sa brgy. Bella Luz, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang akusadong si Romel Sanchez, 21 anyos, walang asawa at residente sa naturang barangay.

Dinakip ng kapulisan si Sanchez matapos magpalabas ng warrant of arrest si hukom Ramon Corazon Blanco ng 3rd MCTC Tumauini-Delfin Albado sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Damage to Property.


Pansamantala naman itong makakalaya kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng tatlumpung libong piso habang sa ngayon ay nasa himpilan na ng PNP San Mateo ang naturang akusado.

Facebook Comments