San Isidro, Isabela – Kasalukuyan parin ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP San Isidro kaugnay sa pagpapakamatay ng isang binata sa Barangay Quezon San Isidro Isabela kahapon dahil lamang sa paninita ng kapatid na magtira ng ulam.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Reynaldo G. Junio, hinihintay pa ngayong araw ang resulta ng paraffin test kay Mark dela Cruz sa pangunguna ng SOCO Isabela.
Idinagdag pa ni Inspector Junio na narekober sa pinangyarihan ang kalibre kwarentay singko na ginamit ng biktima at inialam pa rin ng kapulisan kung kanino ang nasabing baril at kung bakit may baril ang biktima.
Kabilang din na inaalam ang umanoy dalawang putok ng baril na narinig ng pamilya samantalang nakita kahapon ang isang tama sa ulo ni Dela Cruz.
Samantala malalim pa na pagsisiyasat ang gagawin ng PNP San Isidro dahil titingnan pa ang ibang anggulo at motibo ng pangyayari.