Magsasaka na Wanted sa Batas, Arestado!

Jones, Isabela – Arestado ang isang wanted na magsasaka dahil sa kasong frustrated murder sa barangay Usol, Jones Isabela, sa oras na alas syete kagabi, Abril bente singko taong kasalukuyan.

Kinilala ang magsasaka na si Cristobal Mahilom, apatnaput limang taong gulang, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa impormasyong ibinahagi ni Police Chief inspector Rex Pascua, Acting Chief of Police ng PNP Jones naaresto umano ang suspek matapos magsagawa ng monitoring ang kanilang himpilan upang madakip ang suspek.


Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Bonifacio Ong ng RTC Branch 24 Echague Isabela ay nadakip si Mahilom at nahaharap sa kasong Frustrated Murder.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Jones si Mahilom na maaring maglagak ng kaukulang piyansa na nagkakahalaga ng dalawang daang libong piso para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments