Binatang Nagtangkang Gahasain ang Menor de Edad sa Sto. Tomas Isabela, Arestado Na!

Sto. Tomas, Isabela – Nasa kamay na ng otoridad ang isang binata na may kasong tangkang panggagahasa sa menor de edad matapos isinilbi ang warrant of arrest nito kahapon sa Brgy. Biga Occidental, Sto. Tomas, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior inspector Mariano Manalo, hepe ng Sto. Tomas Police Station, kinilala ang akusado na si Renelito Miguel Jr., dalawampu’t pitong taong gulang, binata, isang magsasaka at nakatira sa naturang lugar.

Aniya nahuli si Miguel Jr. sa bisa ng mandamiento de arresto na ipinalabas ni hukom Felipe Torio III ng Branch 22 Cabagan Isabela dahil sa kasong tangkang panggagahasa na naganap noong ika-lima ng Abril, taong kasalukuyan.


Paliwanag pa ni Police Senior Inspector Manalo na napigilan umano na magahasa ng akusado ang menor de edad dahil sa nagkataon umano noon na nakita ng lola ng biktima ang masamang hangarin ng katiwalang si Renelito.

Makakalaya naman si Miguel Jr. kung makakapaglagak ito ng piyansa na Php120,000.00 at nasa pag-iingat na ng PNP Sto. Tomas para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments