Top 7 Most Wanted Person sa Echague Isabela, Naaresto sa Santiago City!

181

Echague, Isabela – Natimbog na ang Top 7 Most Wanted Person sa bayan ng Echague, Isabela matapos itong mahuli sa brgy. San Andres, Santiago City, Isabela.

Ayon kay Police Inspector Edgar Pagulayan, Deputy Chief of Police ng PNP Echague, kinilala ang akusado na si Adonis Dela Cruz Eleazar, apatnapu’t siyam na taong gulang, may asawa, isang electrician at residente ng Purok 1, Castillo, Echague, Isabela.


Aniya nahuli si Eleazar sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng mga tauhan ng PNP Santiago at PNP Echague sa pangunguna ni Police Chief Inspector Andy Orilla.

Sinabi pa ni Police Inspector Pagulayan na si Eleazar ay may kasong paglabag sa RA 9262 o Violence Againts Women and Children na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24 Echague, Isabela.

Makakalaya lamang ang akusado kung makakapaglagak ng kanyang piyansang dalawampu’t apat na libong piso (Php24,000.00) at sa ngayon ay nasa PNP Echague para sa dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments