Binatang Nahulian ng Baril, Arestado!

74

Sinampahan ng kaso ang isang binata matapos itong mahulian ng baril habang nakikipag-inuman sa Sitio Quirat brgy. Rizal Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Peterson Alnajes, 18 anyos, walang asawa at residente sa naturang lugar.


Batay sa ibinahaging impormasyon ng santiago city police station 1, agad umano silang rumesponde ng makatanggap ng tawag kaugnay sa pag-iinuman ng groupo ng suapek at mayroon itong dalang baril at nagpaputok.

Dahil dito ay nagdulot umano ito ng pagkabahala sa mga tao habang ng kausapin ng mga otoridad at kinapkapan ay nakita ang nakatagong caliber 38 armscor mula sa pag iingat ni Alnajes na noon ay nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin.

Agad namang inaresto ang suspek at dinala sa tanggapan ng station 1 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers