Chef, Huli sa Panloloob sa Isang Gusali!

142

City of Ilagan, Isabela – Arestado ang isang lalaki matapos manloob at magnakaw sa isang kainan partikular sa Hardin Grills Cityhomes Subdivision, Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Jerwin Filamon Dacuycuy, 22 anyos, binata, isang Chef at residente ng Brgy. Manaring, City of Ilagan, Isabela habang ang biktima ay si Harold Valenzuela Paguirigan, 41 anyos, may asawa, negosyante at residente ng Brgy. Sta.Barbara, City of Ilagan, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, pasado alas tres kaninang hapon nang pasukin ni Dacuycuy ang opisina ni Paguirigan sa loob ng Hardin Grill.

Pagkapasok ng suspek ay nakita nito ang dalawang vaults at tinangay ang laman nitong pera na nagkakahalaga ng mahigit kumulang animnapung libong piso.

Agad namang humingi ng tulong sa PNP City of Ilagan ang biktima na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek at pagbawi mula sa kanyang pag-iingat ang nasabing pera.

Dinala na sa himpilan ng pulisya si Dacuycuy para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers