BINATI | Pangulong Duterte, pinangunahan ang ceremonial send off sa mga manlalaro ng bansa para sa Asian Games

Manila, Philippines – Binati ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 272 manlalarong bahagi ng Philippine team na sasabak sa ibat-ibang laro sa Asian games na gaganapin sa Indonesia.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte naghabilin ito sa mga atletang Pilipino na maguwi ng ginto at kinilala ng Pangulo ang sakripisyo na pinagdaanan ng mga manlalaro para irepresenta ang Pilipinas sa Asian games.

35 sports events ang sasalihan ng mga manlalarong Pilipino kabilang dito ang Basketball, Volleyball, Boxing, Bowling, Sepak Takraw at iba pa.


Sa 272 manlalaro ay 70 lamang ang nakadalo sa send off ceremony dahil nauna na sa Indonesia ang ibang manlalaro para makapaghanda sa Asian games na magsisimula sa August 18.

Facebook Comments