SPILLING | San Roque Dam patuloy ang pagpapakawala ng tubig!

Sa latest update ng pamunuan ng San Roque Dam ang water level nito ay umabot na sa 284.58 kaninang alas-sais ng umaga kaya naman patuloy ang pagpapakawala ng tubig nito dahil lagpas na ito sa spilling level na 280 normal high level of water.

Apat na gates ang bukas ngayon ng nasabing dam, ito ang gate 1 and 2 na naglalabas ng nasa 0.5 meters at gate 5 na naglalabas ng 1.5 meter at gate 6 na naglalabas ng nasa 1.5m. Sa kabuuan nasa 4 meters na katumbas ng 766 cm per seconds and total outflow ng dam.

Bukod sa San Roque Dam patuloy din ang pagpapakawala ng Ambuklao Dam na may walong gates ang bukas, Binga Dam na may anim na gates na bukas, at Magat Dam na may isang gate na bukas.
Inaasahang patuloy ang spilling ng mga nasabing dams kung hindi titigil ang pag-ulan hanggang sa ma-normalize ang water high level ng mga ito.


Facebook Comments