BINATIKOS | Asec. Uson, iginiit na walang kinalaman ang con-com sa kontrobersyal na ‘i-pederalismo’ dance number

Manila, Philippines – Umani ng iba’t-ibang reaksyon ang inilabas na video ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Lumutang ang video ilang araw pagkatapos mangako si Uson na tutulong sa information drive ng gobyerno tungkol sa charter change (cha-cha) at panukalang federal charter.

Makikita sa video ang ginawang suggestive dance ng kanyang co-host na si Drew Olivar habang kinakanta ang mga salitang ‘i-pepe’ at ‘i-dede’ habang sumasayaw na nakakumpas ang mga kamay sa kanyang pundya at dibdib.


Pagkatapos ay isisigaw ni Olivar ang ‘i-pederalismo’ pagkatapos ng dance number.

Tumagal ito ng 30 segundo.

Iginiit ni Uson, walang kinalaman ang consultative committee (con-com) na siyang nag-review ng 1987 Constitution sa kontrobersyal na dance number.

Aniya, pawang katuwaan lamang ito at hindi pa bahagi ng information and dissemination campaign.

Facebook Comments