INIUTOS | Pagpapatupad ng national security strategy, ipinag-utos ni PRRD

Manila, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na ipatupad ang National Security Strategy (NSS) para makamit ang mapayapa at masaganang bansa.

Kabilang sa titiyakin sa national security ay ang public safety, pagkakaroon ng food, water, at energy security, progresibong ekonomiya, pagtataguyod at pagprotekta sa soberenya at teritoryo ng bansa.

Ang National Security Adviser o Director General ng National Security Council Secretariat (NSCS) ang inaatasang mamahala at mangasiwa sa national security plans.


Ang National Security Council naman ang itinalaga para sa monitoring ng mga plano at programa.

Facebook Comments