Manila, Philippines – Umani ng kaliwa’t kanang batikos mula sa mga manggagawa ang ipinagkaloob na bagong dagdag sa sahod sa mga manggagawang Pilipino sa Metro Manila.
Ayon kay BMP President Leody De Guzman, na hindi sapat at hindi makatarungan ang P25 na idinagdag sa arawang suweldo ng 4 na milyong manggagawa sa rehiyon lalo na aniya at naitala sa datos ng Forbes Magazine na nasa breaking levels ang kita ng mga kumpanya noong 2017.
Paliwanag ni De Guzman na Death Warrant ang P25-wage hike sa pamilya ng apat na milyong manggagawa na muling maghihintay ng isa pang taon bago muling makalasap ng karampot na umento sa suweldo.
Tiwala naman ang Buklurang Manggagawang Pilipino na hindi ikinunsidera ng kalihim ang kakayanan ng mga Employer na magbigay ng sapat na sahod lalo na at tumaas ang produksiyon at kita ng mga kumpanya.
Pinatibay lamang aniya ng mga opisyal ng pamahalaan ang kanilang paniniwala na may nagaganap na sabwatan upang baratin ang mga manggagawa.