BINATIKOS | Mocha Uson, nakatikim ng batikos mula sa mga local celebrity

Manila, Philippines – Hindi rin pinalampas ng ilang local celebrities ang viral na “I-pederalismo dance challenge” video post ni Assitant Secretary Mocha Uson.

Ilan dito ay ang kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina Agot Isidro at singer na si Jim Paredes.

Sabi naman ng komedyanteng si Ogie Diaz, huwag sanang hintayin ni Mocha na akuhin pa ni Pangulong Duterte ang kasalanan nito.


Mura naman ang inabot ni blogger Drew Olivar kay DJ MO Twister.

Biro naman ni Ethel Booba, i-refund ang P90-million na pondo para sa information campaign ng PCOO sabay amin na hindi na rin maintindihan kung ano ang pederalismo.

Facebook Comments