Manila, Philippines – Binatikos ni Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Renato Reyes Jr. ang mga mga sinasabing “nakatagong patong” sa billing statement ng Maynilad at ng Manila Water na malamang na magpapatutuyo sa Pasko ng mga para sa mga konsyumer.
Aniya, kukwestiyunin ng Bayan ang nasabing pagtaas sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS.
Sinabi pa ni Reyes na ang pagtaas ng singil ng Maynilad at ng Manila Water na inaprubahan ng MWSS noong Oktubre ay sinisingil na ngayong Nobyembre sa kabila ng “notice of dispute” na isinampa ng Maynilad na humihingi ng mas mataas na dagdag-singil.
Ayon pa kay Reyes, ang mga dagdag-singil ay resulta ng rate rebasing exercise na isinasagawa kada limang taon.
Ang Maynilad ay binigyan ng 5.73 pesos per cubic meter rate hike sa loob ng limang taon, samantalang ang Manila Water ay binigyan ng 6.26 pesos per cubic meter rate hike sa loob din ng limang taon.
Tinututulan ito ng Bayan dahil hindi nila sinabi sa mga konsyumer sa mga public consultation na ang bawat pagtaas sa basic charges ay nauuwi sa karagdagan ding singil sa environmental at sewerage charges, dahil ang mga ito ay porsyento ng basic charge.
Ang environmental charge ay 20% ng basic charge at ng foreign currency adjustment, na ipinapataw sa lahat ng konsyumer.
Ang sewerage charge naman ay 20% hangang 30% ng basic charge para sa commercial at industrial customers. Bawat increase sa basic charge ay nagreresulta sa automatic increase sa environmental at sewerage charges.