Manila, Philippines – Dagok sa imahe ng Pilipinas sa pandaigdigang pamayanan ang ginawang pag-aresto sa madreng Australiano na si Patricia Fox.
Ayon kay Atty. Jacqueline de Guia, CHR spokesperson, mandato ng gobyerno na protektahan ang mga banyaga na nagmimisyon sa Pilipinas.
Naniniwala ang CHR spokesperson na ang mga banyaga ay may karapatan sa mapayapang pagpapahayag ng saloobin hanggang hindi ito banta sa national security, public safety o lumalapastangan sa karapatan ng ibang tao.
Hinamon ni De Guia ang Duterte Administration na kilalanin ang karapatang pantao ng mga dayuhan upang maipaglaban ang sarili nitong mga alituntunin sa international community.
Facebook Comments