Manila, Philippines – Sa tingin ni Senator Leila De Lima, mali ang bwelo ni Police Director Oscar Albayalde bilang susunod na hepe ng Philippine National Police o PNP.
Pagkontra ito ni De Lima sa isinusulong ni Albayalde na drug testing sa mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections.
Giit ni De Lima, ang panukala ni Albayalde ay laban sa mga mahihirap, labag sa equal protection, at hindi patas dahil ang target lang nito ay mga kandiato sa barangay level.
Punto ni De Lima, dapat ay isailalim din sa drug testing maging ang mga kandidato sa national level kasama ang mga tatakbo sa pagkapangulo.
Dagdag pa ni De Lima, hindi dapat mamili si Albayalde sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga kaya mas mabuting unahing isailalim sa drug testing si Pangulong Rodrigo Duterte.
At kung bumagsak aniya ang pangulo sa drug test ay dapat agad irekomenda ni albayalde ang pagtanggal dito sa pwesto.