KAMPEONATO | FIDE Master John Marvin Miciano naghari sa 2018 Asian Youth Chess Championship sa Thailand.

Thailand – Pinatumba ni FIDE Master John Marvin Miciano si GMH Thilakaranthane ng Sri Lanka sa final round para tanghaling kampeon ng 2018 Asian Youth Chess Championship sa Thailand.

Nakuha ni Miciano ang full point sa loob ng 44 moves ng Sicilian Nadorf Variation para makalikom ng 7.5 points sa loob ng nine rounds ng torneo.

Dahil sa panalo nakuha ni Miciano ang automatic international master title para sa kampeon ng torneo.


Pasok na rin si Miciano sa World Youth Chess Championship na gaganapin sa Greece sa darating na Oktubre ng taong ito.

Nakuha naman ni FM Elect Daniel Quizon ang silver medal sa torneo matapos makaiskor ito ng 6.5 points sa siyam na laro.

Facebook Comments