Manila, Philippines – Mariing binatikos ng mga motorista ang tanggapan ng Department of Public Works and Highway dahil sa kaliwa at kanang pagkukumpuni ng mga tulay sa Lungsod ng Maynila.
Pinangangambahan ng mga motorista na posible ring bumigay ang Buendia fly over dahil panahon pa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at naka desenyo ang naturang tulay para sa mga maliliit na sasakyan.
Pero ngayon mga trailer truck na ang dumadaan kaya hindi malayo na bumigay din gaya sa nangyari sa tulay ng Otis sa Pandacan Manila.
Pinuna rin ng mga motorista ang tulay sa Paco sa may Quirino Columbian na ginagawa rin dahil sa tinamaan ng ginagawang poste skyway kaya hindi pinapadaan mga trak at mga malalaking sasakyan.
Dapat anila pagtawid ng nagtahan bridge ay dapat tuloy tuloy ang mga sasakyan hanggang sa Quirino South Super Highway dahil sa ginagawang skyway ay pinakakanan ng Guanzon Street kaya nadadaanan ng mga malalaking trak ang Otis bridge kaliwa ng Quirino extention papuntang Plaza Dilao.
Maging ang Lambingan Bridge ay ginagawa rin sa Bacood Sta Mesa na nagdudugtong ng Kalentong papuntang Mandaluyong.
Bukod sa pagkukumpuni ng mga tulay ay pinuna rin ng mga motorista ang maraming mga binubungkal na kalsada, una na rito sa San Marcelino, New Panaderos punta Sta Ana, kahabaan ng P. Burgos, harap ng Manila City Hall.