Binatilyo, ginahasa ang 11-anyos kaanak matapos itong magsilang ng sanggol

ST. LOUIS, Missouri – Arestado ang isang 17-anyos na lalaki matapos nitong aminin sa awtoridad ang pangmo-molestiya sa kanyang 11-anyos na kaanak na kakasilang lamang ng sanggol.

Nahuli ng mga pulis ang ginawang krimen nang magpunta ang ama ng suspek na si Norvin Leonidas Lopez-Cante sa isang ospital dala-dala ang isang bagong silang na bata na iniwan umano sa harap ng kanyang bahay.

Ayon sa ulat, nakakabit pa raw ang pusod maging ang inunan ng paslit at mayroon temperaturang 90 degrees ang kanyang katawan.


Noong Huwebes, Pebrero 13(USA time), nagpasyang dumalaw ang mga pulis sa bahay ng naturang tatay kung saan inamin nitong apo niya ang batang dinala sa ospital, at ang nanay nito ay ang kaanak nilang biktima ng rape ng kanyang sariling anak.

Sinabi ng tatay na nalaman niya lang ang krimeng ginawa ng anak nang magsilang ng sanggol ang biktima.

Inamin naman ni Lopez-Cante na hinahalay niya ang biktima dalawang beses sa isang Linggo, na umabot na raw sa 100 beses sa kabuuan.

Agad na hinuli ang mag-ama kung saan haharap sa kasong first-degree statutory rape, sodomy at incest si Lopez-Cante samantalang endagering the welfare of a child naman ang inihabla sa kanyang ama.

Facebook Comments