Dalawang pulis Makati na nag-imbita ng transgender sa presinto, tinanggal sa posisyon

269

Inalis na sa kanilang pwesto ang dalawang pulis sa Makati City Police Station matapos na makuhaan ng video na iniimbitahan sa presinto ang isang transgender.

Ayon kay Makati City Police Chief, Police Colonel Rogelio Simon nabigo raw ang dalawang pulis na ipaliwanag nang mabuti kung bakit nila hinarang at inimbitahan sa presinto ang transgender na si Anne Pelos nitong Valentine’s Day.


Aniya naglalakad lamang si Pelos kasama ang kanyang mga kaibigan ng harangin ng dalawang pulis sa tinaguriang Red District ng lungsod dahil maraming mga bar at spa.

Sinabi ni Simon isasailalim sa Retraining at Gender Sensitivity Workshop ang dalawa.

Itinanggi rin ni Simon na na mayroon silang Oplan ‘X-MEN’  na ang puntirya ay mga LGBTQ Community.

Aniya, misundertanding lang ito dahil Oplan Magdalena aniya ang kanilang program na nakatuon sa pagsagip sa mga kababaihan at kasama na rin ang mga miyembro ng LGBTQ na nasasadlak sa prostitusyon.

Facebook Comments