Binatilyo, Huli matapos Itago sa Sapatos ang Pinatuyong Marijuana

*Cauayan City, Isabela*- Nahaharap sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga ang isang menor de edad matapos mahulihan ng pinatuyong dahon ng marijuana sa loob mismo ng paaralan sa Bayan ng Aparri, Cagayan.

Itinago sa pangalang Mark, 16 anyos, isang Grade 10 student ng Aparri School of Arts and Trade (ASAT)at newly identified na residente ng Brgy. Toran, Aparri, Cagayan

Batay sa imbestigasyon ng Aparri Police Station, lumalabas na nagsagawa ng body search ang kanyang guro na kinilalang si Jonathan Lumandaz sa lahat ng lalaking estudyante sa kanyang klase para matiyak ang kaligtasan ng mga ito dahil napag alaman na nagkaroon na rin ng insidente kung saan nahuli dahil sa droga ang isang estudyante sa paaralan.


Ayon pa sa imbestigasyon, napansin ng guro na nakaalis sa pagkakatali ang sapatos na suot ng menor de edad kung kaya’t ipinag utos nito na tanggalin ang kanyang sapatos at nadiskubre ang isang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana na agd namang ipinagbigay alam sa tanggapan ng Principal ng paaralan.

Agad na tumugon ang pulisya sa insidente at nagsagawa ng inisyal na pagsisiyasat na sinaksihan ng ilang opisyal at kinatawan ng barangay.

Nakatakdang sampahan ngayong araw ang nasabing estudyante matapos ang insidente.

Facebook Comments