Binatilyo mula Pangasinan, patay nang madulas habang sumasayaw

Nasawi ang isang binatilyo nang aksidente itong madulas habang sumasayaw sa harap ng kanilang bahay sa Binmaley, Pangasinan.

Nabagok daw ang ulo ng biktimang kinilalang si Jun-lim Ramos, 14, habang nagsasayaw ito ng ‘Tala’ matapos itong madulas at tumama sa semento ayon sa kanyang nakatatandang kapatid.

Aniya, nagulat daw siya ng biglang tumigil ang tugtog at nang lingunin niya ang kapatid ay nakandusay na ito.


Nakakapagsalita pa raw noon si Jun-lim nang buhatin nila para idala sa ospital.

Ngunit sa kasamaang-palad, hindi na umabot pa ang biktima at idineklarang dead on arrival.

Facebook Comments