PNP Chief, tumayong ninong ng mga pulis sa isinagawang mass wedding sa Camp Crame

50

Tumayong ninong at ninang si Philippine National Police Chief Archie Francisco Gamboa at ang kanyang maybahay na si Mrs.Rozanne Gamboa sa isinagawang mass wedding sa Camp Crame ngayong umaga.

Kasama din sa mga principal sponsors sina Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan at Mrs. Amelita Cascolan at Police Major General Cesar Hawthorne Binag at Dr. Maria Agnes Binag.


25 pares ang kinasal kung saan 22 sa mga groom ang mga pulis, 2 ang sibilyan at isa ang non-uniformed personnel o NUP.

Sa hanay naman ng mga brides, 8 ang pulis, 15 ang sibilyan at 2 ang NUP.

Pinangunahan naman ni  Reverend Father Police Colonel Jason Ortizo, ang Acting Director ng PNP Chaplin Service ang kasalan.

Pagkatapos ng kasalan sa Saint Joseph Church sa Camp Crame, isang reception ang idinaos sa PNP Multi-Purpose Center.

Ang mass wedding ay taon-taong  ginagawa sa Camp Crame tuwing Araw ng mga Puso pero mas maaga itong ginawa kumpara nang nakalipas na taon.

Facebook Comments