Binatilyo na Top Most Wanted Municipal Level, Arestado!

Cauayan City, Isabela- Nadakip na ng mga otoridad ang Top 5 most wanted person sa bayan ng Ramon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), dakong 1:00 kaninang hapon nang maaresto sa bisa ng warrant of arrest sa barangay General Aguinaldo ang akusado na itinago sa pangalang ‘Marcos’, 17 anyos, laborer at residente rin ng nabanggit na lugar.

Nahaharap sa kasong Robbery ang akusado na may kaukulang piyansa na P72,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Dinala sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments