PRRD mag-work from home – Panelo

36

Manila, Philippines – Nilinaw ni Chief Presidential Legal Counsel and Presidential spokesperson Salvador Panelo na hindi magle-leave o magbe-break ang Pangulo.

Ito ay sa kabila ng kanyang naunang pahayag kahapon na mag-3days leave muna ang Pangulo dahil kailangan nito ng pahinga at sapat na tulog.


Ayon kay Panelo, mag-work from home ang Pangulo sa Davao City.

Paliwanag pa nito magbabawas lang ng aktibidad ang Pangulo dahil kung nasa Davao ang presidente ay maaari itong matulog agad kapag natapos ang sandamakmak nitong paper works.

Giit pa ng tagapagsalita hindi magbabakasyon sa ibang lugar ang Presidente at tanging sa bahay lamang nito sa Davao magpapaginga si Pangulong Duterte.

Hindi din umano alam ni Panelo kung hanggang kailan mananatili ang presidente sa kanyang home town dahil ang lahat ng schedule nito ay “subject to change without prior notice.”

Facebook Comments

From Advertisers