
Trahedya ang sinapit ng isang 16-anyos na binatilyo matapos itong makuryente habang tumutulong sa pagputol ng mga sanga ng mangga sa loob ng isang compound sa bayan ng Morong, Bataan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagpumilit umano ang biktima na tumulong sa gawain kahit pa pinayuhan ng mga saksi na huwag nang makialam dahil sa panganib.
Sa kabila ng babala, umakyat pa rin ito sa bubong.
Dito, nahawakan ng binatilyo ang sangang malapit sa kuryente at agad itong nakuryente.
Isinugod siya sa ospital ngunit idineklara nang dead-on-arrival.
Facebook Comments









