Binatilyo – patay sa sunog sa Tondo, Maynila

61

Manila, Philippines – Patay ang isang binatilyo sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa isla Puting Bato sa Tondo, Maynila dakong alas 11:26 kaninang umaga.

Kinilala ang nasawing biktima na si Froilan Dela Cruz, 15-anyos.

Kwento ng mga kaanak ng biktima, natutulong sa 2nd floor ng kanilang bahay ang biktima nang sumiklab ang sunog matapos na magkaroon ng leak sa kanilang LPG.

Nagising pa umano si Froilan pero dahil sa sobrang takot ay hindi na ito nakalabas ng bahay.

Samantala, nasa 30 kabahayan o kabuuang 250-libong pisong halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog na umakyat hanggang ikalimang alarma.

Alas 2: 37 nang maideklarang fireout ang sunog.

Sa ngayon, dadalhin muna sa isang eskwelahan na siyang magsisilbing evacuation center ang nasa halos 70 pamilyang apektado ng sunog.

DZXL558

Facebook Comments