Istatwa ni Mc Donald – ninakaw sa New Jersey

35

New Jersey – Naging usap-usapan maging sa online world ang nangyaring nakawan sa isang fast food chain sa New Jersey.

Aba’y sa halip kasi na pera, istatwa ng paborito nating clown na si Ronald Mc Donald ang napag-interesan ng mga kawatan.

Katunayan, naglabas pa ng 500-dolyar na pabuya ang pamunuan ng Mc Donald sa Clinton Township para sa agarang ikare-recover ng istatwa.

Ayon sa isang police officer, April 26 nang nakawin ang istatwa at matapos ang isang linggong paghahanap ay naibalik din ito na maayos naman at walang gasgas.

Maliban dito, hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang pulisya tungkol sa mga kawatan at dahilan kung bakit nila ninakaw ang istatwa ni Mc Donald.

DZXL558

Facebook Comments