Binatilyo pinatay ang amaing nanakit sa ina, gumahasa umano sa kapatid

6408

Arestado ang isang 18-anyos na lalaki matapos patayin sa saksak ang umano’y mapang-abusong amain sa Sumatra, Indonesia.


Sinaksak umano ng kinilalang si Jef ang 49-anyos na si Johan dahil binubugbog nito ang kanyang ina, at pauli-ulit na hinahalay ang kanyang kapatid na babae.

Sa ulat ng Kompas.com, magsusumbong na sana sa pulisya si Jef at ang kanyang ina, nang pigilan sila ni Johan, dahilan upang magkaroon ng pagtatalo.

Sa gitna ng away, makailang ulit sinaksak ni Jef ang amain gamit ang dalang kutsilyo, saka tumakas sa lugar ng insidente.

Ayon kay Muara Lakitan Police chief First Insp. M. Romi, nakumbinsi ang binatilyo na sumuko sa pulisya noong Biyernes.

Umamin naman umano si Jef na pinatay ang biktima sa saksak sa dibdib nito.

Nagsasagawa pa ang awtoridad ng dagdag na imbestigasyon sa krimen.




Facebook Comments