Binatilyo sa Cauayan City, Nangholdap at Nanaksak-Arestado!

33

Cauayan City, Isabela – Arestado kagabi ang isang binatilyo matapos mangholdap at sinaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Itinago sa pangalang Coco ang suspek na labing anim na taong gulang samantala ang biktima ay kinilala na si Mary Joy Agustin, dalawampu’t pitong taong gulang, empleyado sa isang pribadong kumpanya at pawang mga residente ng Purok 5, Tagaran, Cauayan City.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, habang papauwi ang biktima ay bigla na lamang lumapit si Coco at hinila ang kaniyang shoulder bag na umanoy naglalaman ng mamahaling cellphone, pera na nagkakahalaga ng mahigit kumulang sa limang daang piso at mga importanteng dokumento at mga cards.

Nanlaban umano ang biktima na dahilan upang siya ay pagsasaksakin ng suspek sa ibat’ ibang bahagi ng kaniyang katawan ngunit nagawa paring makatakbo ang biktima at humingi ng tulong sa mga kamag-anak at itinakbo sa pinakamalapit na pagamutan.

Positibo namang nakilala ng biktima ang suspek na nirespondehan ng Cauayan City Police Station at matagumpay na naaresto ang binatilyo.

Sa ngayon ay nasa himpilan na ng pulisya si Coco para sa karagdagang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments