Binatilyong Nagmatigas sa Checkpoint, Arestado!

Benito Soliven, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos hindi sumunod sa isinasagawang checkpoint ng PNP Benito Soliven pasado alas diyes ng umaga sa barangay District 2, Benito Soliven, Isabela.

Ang nadakip ay kinilalang si Raffy Galapon, disi otso anyos, walang asawa, magsasaka at residente ng barangay Santiago, Benito Soliven.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, Kasalukuyang nagsasagawa ng checkpoint ang PNP Benito Soliven sa pangunguna ni Police Senior Inspector Joel Bumanglag kaugnay sa election Gun Ban nang suwayin ni Galapon ang kanilang operasyon at mabilis na pinatakbo ang kanyang minamanehong motorsiklo upang umiwas sa mga pulis.


Dahil dito ay Agad na hinabol ng mga pulis si Galapon at nang makorner na ang binatilyo ay wala itong maipakitang lisensya at dokumento ng kanyang Honda XRM na motorsiklo dahilan upang arestuhin ito.

Dinala na sa PNP Benito Soliven ang suspek para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments