KAPAMILYA FOREVER | Ilang kapamilya stars na napabalitang lilipat ng bakuran, natuldukan na

Manila, Philippines – Tinuldukan ng ilang TV personalities ang usap-usapan na pag-ober da bakod ng network.

Ito ay makaraang mag-renew ng kontrata at nanatiling loyal ang ilang kapamilya stars.

Kabilang dito sina Anne Curtis, Boy Abunda, Martin Nievera, Melai Cantiveros, Karla Estrada, Jericho Rosales, Zanjoe Marudo, Janella Salvador, Jake Cuenca, at Yam Concepcion.


Maugong ang chika na may nilulutong proyekto sa mga certified kapamilya celebs.

Kamakailan, naging mainit naman ang pagtanggap kay Ryza Cenon bilang bagong kapamilya na ilang taon din namalagi sa bakuran ng kapuso.

Facebook Comments